Kiko Pangilinan binanatan si Pangulong Duterte tungkol sa kanyang SONA " Puro nalang Pangako tulad ng ginawa noong halalan"



Kasunod ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang mga batikos ng kanyang mga kritiko at kalaban sa pulitika, una na rito ay si Senator Kiko Pangilinan.

Bumuwelta si Pangilinan na ang SONA ni Duterte ay katulad lamang noong nakaraang halalan, na kung saan ay puro pangako umano ang binitiwan.
Advertisement
Idiniin din rin ni Pangilinan na isang mala-kudeta ang nangyari sa House of Representative – ang biglang pagpapa-alis kay Alvarez at pag lagay kay Arroyo bilang bagong liderato ng mge lehislatura.

Ayon pa sa senador, wala umanong nagawa ang pangulo at ganoon pa rin ang kanyang mga pinangako – kasama ditto ang Coco Levy Trust Fund, ang patuloy pa rin na laban kontra droga na “walang kabuluhan” ayon kay Pangilinan.

Tinawag naman ni Pangilinan na “nakakaasiwa” ang paglaban sa katiwalian na sinabi rin ng pangulo sa kanya SONA, sapagkat hanggang ngayon ay hindi umano naparusahan ang mastermind ng P6.2B na shabu na pinalabas sa customs at hindi daw nalutas ang iba pang kaso ng korapsyon sa ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng SSS, NFA, NIA, at iba pa.

Narito ang kabuuan ng kanyang sinabi mula sa kanyang Facebook account:

Ang mala-kudetang nangyari sa House of Representatives ay naglalarawan ng estado ng bayan: ang pag-agaw kapangyarihan para sa mga pulitiko, ng mga pulitiko, at binubuo ng mga pulitiko.

Ang SONA mismo ay parang mga pangako lang na ginawa noong halalan ng 2016. Halimbawa, ang ipinangakong coco levy trust fund law ay muling ipinangako ngayon. Ganoon din ang maipatupad ang karapatan ng manggagawa sa security of tenure, isang independent foreign policy, ang pagpasok ng ikatlong telecommunications company, atbp.

Ang pangakong itutuloy nang "relentless" ang giyera sa droga ay, tulad ng inaming "chilling”, ay walang kabuluhan. Dahil hindi nilutas at hindi lulutasin ng araw-araw na pamamaslang ang problema sa droga.

Sa katunayan, ang araw-araw na pagpatay ay bahagi ng problema, dahil ang karahasan at walang kaparusahan ay kumalat na at kinuha na ang buhay ng mga bata, mamamahayag, at pari.

Mas nakakaasiwa pa ang laban daw sa katiwalian dahil malayo ang katotohanan sa pangako. Nasaan ang mastermind sa P6.2-bilyon na shabu na pinalabas ng Customs? Sino ang nanagot sa advertising contract ng isang pamilya sa Department of Tourism? Bakit pinahihintulutan ang Solicitor General na kanya pa ring pangasiwaan ang kanyang security agency na may kontrata sa gobyerno kahit na ito ay malinaw na kaso ng conflict of interest? Ano ang nangyari sa mga paratang ng korapsyon sa SSS, NFA, NIA, at iba pa?
Sponsor


Hindi nabubuhay ang tao sa pangako.

Source: Kiko Pangilinan


Loading...

No comments:

Powered by Blogger.